NumismaticsPhilippines




Numismatistang Kredo

Numismatistang Kredo
Ito ang aking Barya, maraming tulad nito, ngunit ang isang ito ay akin.

Ang aking barya ay matalik kong kaibigan. Ito ang aking buhay. Dapat maging maalam ako dito, gaya ng pagiging maalam ko sa aking buhay.

Kung wala ako ang aking barya ay walang silbi. Kung wala ang aking barya wala akong silbi.

Dapat kong alagaan ang aking barya na mas mahusay sa sinuman. Kailangan kong ilagay ito sa isang maayos na lagayan upang hindi ito masira. Gagawin ko.

Ang aking barya at ako ay alam kung ano ang nabibilang sa halaga ay hindi ang mukang halaga nito, pananalaping halaga nito, o ang merkadong halaga nito. Alam naming ang halaga sa kasaysayan ang nabibilang. Matututo kami.

Ang aking barya ay tao, kahit na tulad ko, sapagkat ito ang aking buhay. Sa gayon, matututunan ko ito bilang isang kapatid. Aaralin ko ang kasaysayan sa likod ng aking barya.

Gagawa ako ng wastong pananaliksik tungkol sa pagtutukoy nito, tulad ng dayametro, timbang, metal na komposisyon, mintahe at lahat ng impormasyon sa kasaysayan na maaari kong tipunin. Kami ay magiging bahagi ng isa’t isa.

Sa harap ng Diyos, isinusumpa ko ang kredong ito. Ang aking barya at ako ang tagapagpalaganap ng kasaysayan ng Pilipinas. Kami ang erudito ng ating kasaysayan. Kami ang tagabantay ng ating kultura.

Harinawa, hanggang sa ang kasaysayan ay matutunan ng lahat, hanggang sa wala ng Filipino ng ignorante sa kasaysayan ng Pilipinas.

Watch on YouTube